Si Ka Lanie
Nung unang kitang makita, kala ko di tayo magkakasundo
Tahimik ka kasi at walang kibo, animo’y mahigpit na guro
Nung unang beses na narinig ko ang tawa mo, masiyahin ka pala
Madali kang lapitan pag may problema, o kahit simpleng usap lang
Hindi ka boring kasama, Puno ng kakulitan, kulay at sigla.
Pero sa likod ng ngiti ay mga nababalot ng problema
Na kahit anong ngiti ang iyong iharap, puso’y nababalot ng sakit
Ng pait at pagdurusa, Animo’y maskarang nakatabing sa mukha
Ang magulong isipan ay idinadaan na lang sa kakulitan at tawa
Kahanga-hanga ang iyong tatag at lakas ng loob, nakakabilib talaga
Sana sa muli nating pagkikita, nawa’y ikaw pa rin si lanie villena
Na simple, matatag, makulit at totoong tao sa pakikisama
Mabuhay ka kaibigan, sa bagong mundo’y magtagumpay ka sana =)